OKTUBRE 2, 2024
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Binaha ang Ilang Bahagi ng Central Europe Dahil sa Bagyong Boris
Mula noong Setyembre 11, 2024, nagdala ng matinding ulan at malakas na hangin ang Bagyong Boris sa mga bahagi ng Central Europe. Tumama ang bagyo sa gawing timog ng Poland noong Setyembre 12, kaya binaha ang maraming bayan. Umabot sa mga 20 sentimetro ang tubig sa mga lugar na ito nang wala pang 24 na oras. Nasira din ang mga imprastraktura dahil sa matagal at matinding pag-ulan, at libo-libo ang nawalan ng kuryente. Kinabukasan, Setyembre 13, umabot sa 50 sentimetro ang baha sa hilagang bahagi ng Czech Republic dahil sa Bagyong Boris. Dahil dito, nasira ang mga bahay, kalsada, at mga tulay.
Noong Setyembre 14 naman, maraming lugar sa Romania ang nakaranas ng rumaragasang baha na mga 25 sentimetro ang taas. Mga 5,000 bahay ang nasira at dalawang dam ang bumigay sa Galați County. Noong Setyembre 18, niragasa ng bagyong Boris ang hilagang bahagi ng Italy. Umabot nang 30 sentimetro ang tubig sa loob lang ng 48 oras. Dahil dito, umapaw ang mga ilog at daanan ng tubig.
Dahil sa malakas na bagyo, napilitang lumikas ang libo-libo sa apat na bansang ito, at di-kukulangin sa 19 ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Czech Republic
Walang namatay o nasugatan sa ating mga kapatid
79 na kapatid ang lumikas
12 bahay ang nasira nang husto
2 bahay ang bahagyang nasira
1 Kingdom Hall ang nasira nang husto
1 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Italy
Walang namatay o nasugatan sa ating mga kapatid
63 kapatid ang lumikas
7 bahay ang nasira nang husto
21 bahay ang bahagyang nasira
1 Kingdom Hall ang nasira nang husto
4 na Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Poland
Walang namatay o nasugatan sa ating mga kapatid
87 kapatid ang lumikas
61 bahay ang nasira nang husto
85 bahay ang bahagyang nasira
2 Kingdom Hall ang nasira nang husto
8 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Romania
Walang namatay o nasugatan sa ating mga kapatid
1 kapatid ang lumikas
2 bahay ang nasira nang husto
5 bahay ang bahagyang nasira
Walang Kingdom Hall na nasira o nawasak
Relief Work
Bumuo ng 6 na Disaster Relief Committee para tulungan ang mga biktima ng sakuna
Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan ng pagbaha
Habang patuloy tayong nananalangin para sa mga naapektuhan ng malawakang pagbahang ito, nagtitiwala tayong maibigin silang aaliwin at tutulungan ni Jehova.—Isaias 40:11.