Pumunta sa nilalaman

HUNYO 4, 2020
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Brother Artem Gerasimov, Sinentensiyahan ng Korte Suprema ng Crimea na Mabilanggo Nang Anim na Taon

Brother Artem Gerasimov, Sinentensiyahan ng Korte Suprema ng Crimea na Mabilanggo Nang Anim na Taon

Noong Hunyo 4, 2020, sinentensiyahan ng Korte Suprema ng Crimea si Brother Artem Gerasimov na mabilanggo nang anim na taon dahil sa kaniyang mapayapang pagsamba bilang Kristiyano. Nagsumite siya ng apela sa naging unang hatol sa kaniya ng Yalta City Court, na pinagmumulta siya ng 400,000 ruble (mga $6,000 U.S.). Pagkatapos ibaba ang resulta ng apela ni Brother Gerasimov, agad itong ipinatupad at ibinilanggo siya. Magsusumite siya ng apela sa naging desisyong ito.