NOBYEMBRE 20, 2020
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Hinagupit ng Bagyong Eta ang Central America, Cayman Islands, Bahamas, Jamaica, Mexico, at United States
Lokasyon
Central America, Bahamas, Grand Cayman Island, Jamaica, Mexico, at timog-silangang United States
Sakuna
Noong Nobyembre 3, 2020, nag-landfall ang Category 4 na Bagyong Eta sa Puerto Cabezas, Nicaragua, at nanalanta rin sa iba pang bahagi ng Central America
Nakakalungkot, tinangay ng baha at namatay ang isang siyam-na-taóng-gulang na apo ng isang mag-asawang Saksi sa Tabasco, Mexico
Humina ang Bagyong Eta at dumaan sa Grand Cayman Island, Bahamas, at Jamaica. Pagkatapos, dumeretso ito sa Gulf of Mexico at United States
Epekto sa mga kapatid
Costa Rica
108 kapatid ang lumikas
7 kapatid ang nawalan ng lahat ng pag-aari nila
Guatemala
163 kapatid ang lumikas; 85 kapatid ang nakabalik na sa bahay nila
3 pamilya ang nawalan ng lahat ng pag-aari nila
Bukod diyan, 3 mamamahayag na magkakapamilya ang na-trap sa second floor ng bahay nila bago na-rescue
Honduras
1,984 na kapatid ang lumikas; mga 376 ang nakabalik na sa bahay nila
Jamaica
4 na kapatid ang lumikas
Mexico
Sa Chiapas at Tabasco, 1,618 kapatid ang inilikas; 112 ang nakabalik na sa bahay nila
Nicaragua
238 kapatid ang lumikas; 232 ang nakabalik na sa bahay nila
Panama
27 kapatid ang lumikas; 6 ang nakabalik na sa bahay nila
United States
48 kapatid ang lumikas; 27 ang nakabalik na sa bahay nila
Pinsala sa ari-arian
Bahamas
1 bahay ang nasira
Costa Rica
3 bahay ang nawasak
6 na bahay ang nasira
Guatemala
2 bahay ang nasira dahil sa landslide
Honduras
7 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Nicaragua
73 bahay ang nasira
Grand Cayman Island
4 na bahay ang nasira
1 Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Jamaica
50 bahay ang nasira
1 Kingdom Hall ang nasira
United States
141 bahay ang nasira
9 na Kingdom Hall ang bahagyang nasira
Relief work
Nag-atas ang sangay sa Central America ng tatlong Disaster Relief Committee (DRC), dalawa sa Mexico at isa sa Honduras, para makapagbigay ng tulong doon. Sa iba pang naapektuhang bansa, ang mga DRC na inatasang magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 ay tumulong din sa relief work
Sa teritoryong sakop ng sangay ng United States, nagsaayos din ng relief work ang mga kongregasyon, pati na ang mga DRC na inatasan para sa COVID-19
Ang mga tagapangasiwa ng sirkito sa lahat ng lugar na dinaanan ng bagyo ay nagbibigay ng espirituwal na tulong sa mga pamilyang naapektuhan
Ang mga kapatid sa mga lugar na iyon na hindi naman naapektuhan ng bagyo ay nagbigay ng matutuluyan at pagkain sa mga kapatid na lumikas
Ang lahat ng relief work ay ginawa habang sumusunod sa mga safety protocol ng COVID-19
Nalulungkot tayo sa mga naapektuhan ng bagyo, pero nakakapagpatibay makita na nagtutulungan ang mga kapatid. Nagtitiwala tayong ang Diyos na Jehova ay magsisilbing “isang ligtas na kanlungan sa panahon ng pagdurusa.”—Awit 9:9.