Pumunta sa nilalaman

Nag-iwan ng malaking pinsala ang Bagyong Fiona dahil sa malalakas na hangin at buhos ng ulan

SETYEMBRE 26, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Hinagupit ng Bagyong Fiona ang Caribbean

Hinagupit ng Bagyong Fiona ang Caribbean

Noong Setyembre 18, 2022, dumaan ang bagyong Fiona sa Puerto Rico at sa kalapít na mga isla na may bugso ng hangin na hanggang 160 kilometro bawat oras at nagbuhos nang hanggang 75 sentimetro ng ulan. Libo-libo ang naapektuhan. Sinira ng bagyo ang mga kalsada at tulay at nawalan ng kuryente. Kaya nahirapan ang mga awtoridad na mamahagi ng pagkain, tubig, at gamot.

Epekto sa mga Kapatid

Puerto Rico, Saint Kitts and Nevis, Turks and Caicos

  • Walang kapatid na namatay

  • 4 na kapatid ang bahagyang nasugatan

  • 75 kapatid ang lumikas

  • 140 bahay ang bahagyang napinsala

  • 18 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala

  • 1 bahay ang nawasak

Dominican Republic

  • Walang kapatid na namatay

  • 58 kapatid ang lumikas

  • 57 bahay ang bahagyang nasira

  • 26 na bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala

  • 2 bahay ang nawasak

  • 2 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

  • 2 Kingdom Hall ang nagkaroon ng malaking pinsala

Guadeloupe at Martinique

  • Walang kapatid na namatay

  • 16 na kapatid ang lumikas

  • 43 bahay ang bahagyang nasira

  • 2 bahay ang nagkaroon ng malaking pinsala

  • 13 Kingdom Hall ang bahagyang nasira

Relief Work

  • Dinalaw ng mga tagapangasiwa ng sirkito at mga elder ang mga naapektuhang pamilya at nagbigay ng praktikal na tulong

  • Nagsasaayos ng mga paraan para makapaglaan ng pagkain, tubig, at gamot sa naapektuhang mga pamilya at inayos ang mga bahay nila

  • Sinusunod ng lahat ng nasa relief work ang safety protocol para sa COVID-19

Siguradong maaaliw ang mga kapatid natin na naapektuhan ng bagyong ito dahil sa maibiging pangangalaga na ipinakita sa kanila ng mga kapatid.—Gawa 11:29.