Pumunta sa nilalaman

Ang meeting ng Town Board of Ramapo noong Disyembre 28, 2022

ENERO 9, 2023
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Proyekto ng Headquarters sa Ramapo

Inaprobahan ng Town Board of Ramapo ang Special Permit

Inaprobahan ng Town Board of Ramapo ang Special Permit

Noong Disyembre 28, 2022, inaprobahan ng Town Board of Ramapo ang isang special permit para sa construction project sa Ramapo. a Dahil sa special permit na ito, posible nang gawin ang zoning ng site para sa mga office building, studio, at residence building na kailangan natin. Dahil din dito, puwede nang umpisahan ang clearing ng site para maaprobahan ng Town Planning Board ang site plan. Inaasahan ang approval na ito ngayong 2023. Tutulong ito para hindi ma-delay ang proyektong ito.

Sinabi ni Brother David Soto, na naglilingkod sa Construction Project Committee: “Masaya kami sa approval na ito. Kahit marami pang gagawin bago maumpisahan ang aktuwal na pagtatayo, sigurado kami na pagpapalain ni Jehova ang mga pagsisikap natin.”

Time Line ng Proyekto sa Ramapo

  1. Oktubre 5, 2019

    Nag-announce ang Lupong Tagapamahala na pagsasamahin sa iisang pasilidad ang media production natin, at itatayo ito sa Ramapo, New York

  2. Hunyo 26, 2020

    Pormal tayong nagpasa sa Ramapo Town Board

  3. Hulyo 8, 2020

    Unang project meeting kasama ng Ramapo Town Board

  4. Marso 31, 2021

    Nagpasa tayo ng Draft Environmental Impact Statement

  5. Marso 8, 2022

    Inaprobahan ng Town of Tuxedo Planning Board ang permit para sa pagpapalawak at pagre-realign ng entrance papunta sa site sa Ramapo

  6. Marso 12, 2022

    Tinanggap ang Final Environmental Impact Statement

  7. Nobyembre 9, 2022

    Inaprobahan ng Ramapo Town Board ang zoning para magamit ang property bilang office at residence

  8. Disyembre 28, 2022

    Inaprobahan ng Ramapo Town Board ang special permit para sa zoning at site clearing

  9. Hinihintay

    Pag-aproba ng buong site plan

a Ang approval na ito ay resulta ng desisyon ng Ramapo Town Board noong Nobyembre 9, 2022. Kaya posible na tayong mag-apply para sa special permit at site plan approval.