Pumunta sa nilalaman

AGOSTO 28, 2023
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Ini-release ang Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Wikang Kekchi

Ini-release ang Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Wikang Kekchi

Noong Biyernes, Agosto 18, 2023, ini-release ni Brother José Luis Peña, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Central America, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan sa wikang Kekchi. Ipinatalastas ang release na ito sa unang araw ng “Maging Matiisin”! na Panrehiyong Kombensiyon na ginanap sa San Juan Chamelco, Alta Verapaz, Guatemala. Tumanggap ng inimprentang kopya ng bagong salin ang 590 dumalo. Puwede na ring ma-download ang digital at audio format nito. Ang Kekchi ay sinasalita ng mahigit 1,300,000 nakatira sa Belize at Guatemala. May mga 520 kapatid na nagsasalita ng Kekchi sa 17 kongregasyon at 4 na grupo sa dalawang bansang ito.

Sinabi ng ilang kapatid kung paano makakatulong sa mga nagsasalita ng Kekchi ang salin na ito para maunawaan nang mas tumpak ang Salita ni Jehova. Sinabi ng isang sister: “Sa 1 Timoteo 1:11, inilalarawan ng Bagong Sanlibutang Salin na ‘maligayang Diyos’ si Jehova. Pero hindi inilalarawan si Jehova nang ganiyan sa ibang salin ng Bibliya sa Kekchi. Magagamit ko na ngayon ang talatang ito para ipakita sa mga tao na kapag kilala natin si Jehova, talagang mapapasaya niya tayo kahit sa mahihirap na panahon.”

Siguradong makakatulong ang bagong salin na ito sa marami pang taimtim na mga taong nagsasalita ng Kekchi na makilala at mahalin si Jehova at pahalagahan ang kaniyang Salita.—Kawikaan 7:1, 2.