Pumunta sa nilalaman

Ini-release ni Brother Mark Sanderson ng Lupong Tagapamahala ang Bagong Sanlibutang Salin sa Russian Sign Language. Napanood ng mga kapatid sa maraming bansa ang pagre-release na ito: (paikot mula sa itaas sa kaliwa pakanan) Ukraine; Latvia; Astana, Kazakhstan; at Almaty, Kazakhstan

MAYO 31, 2023
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Ini-release sa Russian Sign Language ang Kumpletong Bagong Sanlibutang Salin

Ini-release sa Russian Sign Language ang Kumpletong Bagong Sanlibutang Salin

Noong Mayo 27, 2023, ipinatalastas ni Brother Mark Sanderson, isang miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang release ng unang kumpletong Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Russian Sign Language (RSL). May 148 dumalo nang in-person sa programa, at 5,000 pa mula sa 15 bansa ang nakapanood sa live streaming o sa rekording ng programa. Available na ngayon ang Bibliyang ito sa jw.org at sa JW Library Sign Language app.

Sinabi ng isang brother na bingi: “Kapag pinapanood ko ang Bibliya sa sign language, ramdam ko ang naramdaman ni Jesus nang makita niya ang pagdurusa ng mga tao. Talagang na-touch ako!”

Bago ma-release ang Bibliyang ito sa RSL, umaasa lang ang mga kapatid natin sa nakaimprentang Bibliya sa wikang Russian. Nahirapan ang ilang kapatid na maintindihan ito kasi kailangan ng maraming paglalarawan sa RSL para sa isang ekspresyon.

Halimbawa, sa ulat ng 1 Hari 17, sinabi ng isang biyuda sa Zarepat kay propeta Elias na mamamatay silang mag-ina pagkatapos nilang kumain. Inisip ng ilang mamamahayag na bingi na panis na o may lason ang kinain nila. Pero sa RSL translation, ipinakita na iyon na ang huli nilang pagkain.

Ginagamit ang RSL ng mga tao mula sa magkakaibang bansa at kultura. Kaya pinag-isipan din ng mga translator ang mga pagkakaiba sa sign language sa mga lugar na ito. Sinabi ng isang translator: “Sa isang lugar, ang sign para sa ‘kasalanan’ ay ‘Diyos’ naman sa ibang lugar. Isa pa, ang sign para sa ‘alagad’ sa isang lugar ay ‘huli’ o ‘mahirap’ naman sa iba. Bilang isang translation team, sinikap naming gamitin ang mga sign at ekspresyon na alam na alam ng mga bingi.”

Masaya tayo para sa mga kapatid natin na gumagamit ng RSL at pinapasalamatan natin si Jehova sa magandang regalong ito sa kanila.​—Kawikaan 10:22.