Pumunta sa nilalaman

Isang pulong sa Kingdom Hall bago ang COVID-19 pandemic

OKTUBRE 15, 2021
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Ipinatalastas ng Lupong Tagapamahala na Puwede Nang Magpulong sa Kingdom Hall sa Ilang Piling Lugar

Ipinatalastas ng Lupong Tagapamahala na Puwede Nang Magpulong sa Kingdom Hall sa Ilang Piling Lugar

Ipinatalastas ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova na inanyayahan nila ang ilang sangay na subukan nang magpulong sa Kingdom Hall. Pipili ang mga sangay na ito ng ilang Kingdom Hall sa mga lugar na marami nang nabakunahan at kaunti lang ang kaso ng mga nahawahan ng COVID-19. Siyempre, susundin pa rin ang lahat ng safety protocol ng mga lokal na gobyerno para sa mga indoor gathering. Binasa ang patalastas na ito sa pamilyang Bethel sa buong mundo noong Biyernes, Oktubre 15, 2021.

Depende sa resulta ng kaayusang ito kung papayagan nang magpulong sa iba pang lugar. Sinabi rin sa patalastas na para sa karamihan, suspendido pa rin ang personal na pagtitipon para sa mga gawain ng organisasyon. At posibleng ang pinakamaagang petsa na ibabalik ang personal na pagtitipon ay Enero 1, 2022.

Pinapasalamatan natin ang pangangalaga ng Lupong Tagapamahala sa buong kapatiran at ang matalinong pagdedesisyon nila tungkol sa pagbabalik ng mga gawain ng organisasyon. Pakisuyong ipanalangin na patuloy na gabayan at pagpalain ng Diyos na Jehova ang mga kaayusang ito.—Kawikaan 14:16.