HULYO 3, 2023
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Proyekto ng Headquarters sa Ramapo
Isang Mahalagang Approval Para sa Proyekto sa Ramapo
Noong Hunyo 28, 2023, nakatanggap tayo ng mahalagang approval para sa proyekto natin sa Ramapo, New York, U.S.A. Nagkaisa ang Town of Ramapo Planning Board para aprobahan ang site plan ng proyekto. Kahit marami pang kailangang gawin, puwede na nating ituloy ang proyekto.
Walang anumang pagtutol o nasabing isyu ang lokal na mga residente at opisyal noong mag-meeting ang Planning Board. Sinabi ni Brother Keith Cady, na isang miyembro ng Construction Project Committee (CPC): “Ilang buwan din naming pinaghandaan ang pag-present ng site plan sa mga board member para masunod ang lahat ng kahilingan nila. Gusto namin na maaprobahan nila agad ang application natin.” Nakita ng mga board member ang mga pagsisikap na ito at isa-isa nilang inaprobahan ang mga resolusyon para sa proyekto. “Wala pang isang oras ang buong meeting!” ang sabi ni Brother David Soto, isa pang miyembro ng CPC. “Nagpapasalamat kami sa Planning Board sa pagsisikap, kasipagan, at kooperasyon nila. Excited kami na makatrabaho ang town planning department sa hinaharap.”
Dahil sa approval na ito, puwede na nating ituloy ang proyekto sa Ramapo. “Kapag natapos na ang clearing ng mga pinutol na puno sa property,” sabi ni Brother Cady, “puwede nang simulan ng mga contractor ang trabaho sa site. Pagkatapos nito, makakapagsimula nang magtrabaho ang marami boluntaryo sa site sa mga huling buwan ng susunod na taon. Excited kaming lahat na nasa meeting na marinig ang approval ng planning board para masimulan na natin agad ang pagtatayo.”
Bilang isang pambuong-daigdig na organisasyon, nagpapasalamat tayo kay Jehova dahil sa approval na ito. Ipanalangin natin na patuloy sanang pagpalain ni Jehova ang lahat ng tumutulong sa proyekto habang ‘naghahanda silang mabuti para sa gawain’ sa hinaharap.—Nehemias 2:18.