Pumunta sa nilalaman

NOBYEMBRE 22, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Karagdagang mga Command sa Voice Assistant Para sa JW.ORG

Karagdagang mga Command sa Voice Assistant Para sa JW.ORG

Mula noong 2019, ang mga gadyet na may Amazon Alexa o Google Assistant ay puwedeng mag-play ng ilang content sa jw.org. Dahil nadagdagan ang mga voice command, mas marami na ngayong mapapakinggang materyal para sa mga pulong natin at ministeryo. Nakakalungkot, simula Hunyo 2023, hindi na puwedeng gamitin ang mga voice command na ito sa Google Assistant. Pero ang jw.org skill sa Amazon Alexa ay magpapatuloy.

Puwedeng utusan ngayon ng mga gumagamit ng mga device na basahin nito ang lingguhang schedule mula sa Workbook sa Buhay at Ministeryo at ang mga study point sa brosyur na Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo. Kapag naghahanda para sa Bible study, puwedeng gamitin ang voice assistant para pakinggan ang aralin mula sa aklat na Masayang Buhay Magpakailanman.

Mapapakinggan din ang mga kanta para sa mga pulong mula sa “Umawit Nang Masaya” kay Jehova, pati na ang vocal o instrumental na mga recording. Puwede ring i-play ang pinakabagong mga update ng Lupong Tagapamahala.

Para malaman ang mga voice command para sa bawat voice assistant, pumunta sa Help at tingnan ang mga tutorial sa “Gamitin ang JW.ORG Skill Para sa Amazon Alexa” o “Gamitin ang JW.ORG Action Para sa Google Assistant.”

May mga cell phone, tablet, at computer na walang voice assistant pero puwedeng lagyan ng Alexa app para magkaroon ng ganitong feature.

Malaking tulong ang bagong mga feature na ito para sa mga bulag o may diperensiya sa paningin. Kung may kaibigan kang may diperensiya sa paningin, baka puwede mo siyang tulungang mag-set up ng voice assistant device o app at turuan kung paano ito gagamitin.