OKTUBRE 25, 2021
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Korte ng Crimea—Hinatulang May-sala si Brother Igor Shmidt
UPDATE | Hindi Pinagbigyan ng Korte ng Crimea ang Apela
Noong Enero 13, 2022, hindi pinagbigyan ng Sevastopol City Court ang apela ni Brother Igor Shmidt. Nananatili siyang nakakulong.
Time Line
Noong Oktubre 22, 2021, hinatulan ng Gagarinskiy District Court of the city of Sevastopol, Crimea Republic, si Igor at sinentensiyahang makulong nang hanggang anim na taon. Agad siyang ikinulong
Abril 22, 2021
Ginanap ang unang pagdinig sa kaso
Marso 23, 2021
Pinalaya si Igor mula sa kulungan bago pa man litisin at inilagay sa house arrest
Oktubre 1, 2020
Inakusahan si Igor ng pag-oorganisa ng gawain ng isang ipinagbabawal na relihiyosong organisasyon at inilagay sa pansamantalang kulungan nang dalawang araw bago ilipat sa kulungan bago pa litisin
Profile
Nagtitiwala kami na patuloy na pagpapalain ni Jehova ang ating mga kapatid sa Russia at ‘sasang-ayunan niya sila.’—Awit 5:12.