Pumunta sa nilalaman

Si Brother Artem Gerasimov

PEBRERO 27, 2020
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Korte ng Crimea, Inaasahang Magbababa ng Hatol kay Brother Artem Gerasimov

Korte ng Crimea, Inaasahang Magbababa ng Hatol kay Brother Artem Gerasimov

Sa Marso 3, 2020, inaasahang maglalabas ng hatol ang Yalta City Court ng Republic of Crimea para sa kaso ni Brother Artem Gerasimov. Hiniling ng prosecutor na sentensiyahan si Brother Gerasimov na mabilanggo ng anim at kalahating taon dahil sa kaniyang relihiyosong paniniwala.

Pansamantalang idinitine si Brother Gerasimov at pinagtatanong noong Marso 20, 2019, matapos pasukin ng Federal Security Service (FSB) ang walong bahay ng mga Saksi ni Jehova sa Alupka at Yalta na mga siyudad sa Crimea. Kinumpiska nila ang mga computer at ibang gadyet, pati na ang mga Bibliya. Pagkatapos, kinasuhan ng mga imbestigador ng FSB si Artem Gerasimov ng pag-oorganisa ng ekstremistang gawain dahil lang sa pakikipag-usap sa iba tungkol sa Bibliya.

Nagtitiwala tayong tutulungan ni Jehova ang mga kapatid natin na manatiling matatag at malakas habang tinitiis nila ang di-makatarungang pang-uusig sa kanilang pananampalataya.—Awit 138:3.