Pumunta sa nilalaman

ENERO 20, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Maging Mas Mabisa sa Paggamit ng Masayang Buhay Magpakailanman sa JW Library

Maging Mas Mabisa sa Paggamit ng Masayang Buhay Magpakailanman sa JW Library

Noong Enero 2021, ipinatalastas ng Lupong Tagapamahala ang paglalabas ng aklat at brosyur na Masayang Buhay Magpakailanman. Ang mga publikasyong ito ay isang interactive na kurso sa Bibliya. Makakatulong ito sa atin na maging mas mabisa sa pagdaraos ng mga Bible study.

Dinagdagan ng mga bagong feature ang JW Library app para maging mas kawili-wili sa mga nagtuturo at sa mga estudyante ang aklat at ang brosyur sa elektronikong format. Maglaan ng panahon para maging pamilyar sa bagong mga feature na ito.

  • Gusto mo bang ipakita sa iyong estudyante ang isang espesipikong punto sa aralin? I-tap ang parapo para mabuksan ang context menu. Piliin ang Share para i-share ang link sa espesipikong parapo na iyon.

  • Gusto mo bang pakinggan ang pagbasa ng parapo kasama ng iyong estudyante? I-tap ang parapo para buksan ang context menu. Piliin ang Play para mapakinggan ang pagbasa mula sa parapong iyon.

  • Baka inimprentang edisyon ang gamit ng estudyante at ikaw naman ay elektronikong edisyon. Gusto mo bang makita ang inimprentang edisyon? Sa More menu (tatlong tuldok sa itaas sa gawing kanan), piliin ang Printed Edition. Piliin ang Digital Edition sa menu rin na iyon para bumalik sa digital format.

  • Gusto mo bang tulungan ang mga estudyante mo na masubaybayan ang kanilang pagsulong gamit ang elektronikong publikasyon? Himukin silang gamitin ang mga kahon na inilaan para punan ang petsa kung kailan natapos ang aralin o isulat ang espesipikong personal na tunguhin. Puwede rin nilang gamitin ang kahon sa chart na “Nasaan Ka Na sa Pagbabasa Mo ng Bibliya?