Pumunta sa nilalaman

Mga kapatid na naghahanda para salubungin sa Guadeloupe ang mga delegado mula sa iba’t ibang bansa

HUNYO 3, 2024
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Magsisimula Na ang 2024 ‘Ihayag ang Mabuting Balita!’ na mga Espesyal na Kombensiyon sa Guadeloupe

Magsisimula Na ang 2024 ‘Ihayag ang Mabuting Balita!’ na mga Espesyal na Kombensiyon sa Guadeloupe

Ang unang ‘Ihayag ang Mabuting Balita!’ na Espesyal na Kombensiyon ay gaganapin sa Vélodrome Amédée Détraux sa Baie-Mahault, Guadeloupe, mula Hunyo 7 hanggang Hunyo 9, 2024. Magkakaroon ng 15 espesyal na kombensiyon mula Hunyo hanggang Oktubre 2024. a Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon muli ng mga espesyal na kombensiyon. Nakansela kasi ang mga ito noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Inanyayahan bilang mga delegado sa mga espesyal na kombensiyon ang mga kapatid mula sa iba’t ibang bansa. Gaganapin ang marami sa mga kombensiyong ito sa iba’t ibang wika. Halimbawa, sa Guadeloupe, mapapakinggan ang programa ng kombensiyon sa English, French, Guadeloupean Creole, at Spanish.

Kaliwa: Isang pamilya na gumagawa ng mga card at mga welcome sign para sa mga delegado. Kanan: Mga sister na gumagawa ng panyo na may logo ng espesyal na kombensiyon sa Guadeloupe

Maraming paghahanda ang kailangang gawin para sa mga darating na delegado. Halimbawa, mahigit kalahati sa 8,546 na kapatid sa Guadeloupe ang nagboluntaryo para sa pagdating ng 1,500 kapatid mula sa 11 bansa. Sinabi ng isang sister, na nagboluntaryo kasama ng asawa niya: “Ang saya-saya ko! Hinding-hindi ko makakalimutan ang taóng ito. Talagang nag-enjoy ako na magtrabaho kasama ng mga kapatid. Para na kaming nasa Paraiso. Masaya ako na bahagi ako ng organisasyon ni Jehova!”

Kasama ng ating mga kapatid sa buong mundo, nagtitiwala tayo na lalo tayong magkakaisa dahil sa 2024 ‘Ihayag ang Mabuting Balita!’ na mga Espesyal na Kombensiyon at na mapapapurihan nito ang ating Ama sa langit, si Jehova.—Filipos 1:27.

a Magkakaroon ng mga espesyal na kombensiyon sa sumusunod na mga lokasyon: Sofia, Bulgaria; Santiago, Chile #1; Santiago, Chile #2; Prague, Czech Republic; Santo Domingo, Dominican Republic; Suva, Fiji; Helsinki, Finland; Lyon, France; Baie-Mahault, Guadeloupe; Budapest, Hungary; Reykjavík, Iceland; Asunción, Paraguay; Zurich, Switzerland; Philadelphia, United States; at Tampa, United States.