OKTUBRE 4, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Malaking Pinsala ang Iniwan ng Bagyong Ian
Matinding sinalanta ng bagyong Ian ang Cuba noong Setyembre 27, 2022, bago nag-landfall kinabukasan sa timog-kanluran ng Florida bilang Category 4 na bagyo. Isa ito sa pinakamalakas na bagyong tumama sa United States, na may lakas ng hangin na 240 kilometro kada oras. Winasak nito ang mga pamayanan at sinira ang mga kalsada at tulay. Nawalan ng kuryente ang maraming tao at binaha ang malalaking lupain habang tinatawid nito ang Florida palabas sa Atlantic Ocean. Muli itong nag-landfall sa South Carolina.
Mahigit 12,000 kapatid sa Florida ang lumikas o kinailangang ilikas.
Ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay gumagawang kasama ng mga kinatawan ng Local Design/Construction para tulungan ang mga elder na ibigay ang mga pangangailangan ng mga biktima.
Epekto sa mga Kapatid
Cuba
Nakakalungkot, 1 kapatid ang namatay
2 kapatid ang nasugatan
300 bahay ang bahagyang napinsala
491 bahay ang matinding napinsala
63 bahay ang nasira
40 lugar na pinagpupulungan ang matinding napinsala
1 lugar na ginagamit para sa asamblea ang bahagyang napinsala
3 lugar na ginagamit para sa asamblea ang matinding napinsala
Florida
Walang kapatid na namatay sa bagyo
2 kapatid ang nasugatan
5,874 na kapatid ang lumikas
1,559 na bahay ang bahagyang napinsala
367 bahay ang matinding napinsala
47 bahay ang nasira
329 na bahay ang pinatatag para ligtas na tirhan
71 bahay ang kinumpuni
38 gusaling ginagamit ng mga Saksi ni Jehova ang bahagyang napinsala
1 Kingdom Hall ang matinding napinsala
1 Assembly Hall ang matinding napinsala
South Carolina
Walang kapatid na namatay sa bagyo
35 kapatid ang lumikas
13 bahay ang bahagyang napinsala
Relief Work
Dinalaw ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang naapektuhang mga pamilya at nagbigay ng praktikal na tulong
14 na temporary relief center ang inilagay sa evacuation area sa Florida para tulungan ang mga kapatid.
Nag-atas ng mga Disaster Relief Committee sa Florida at Cuba para pangasiwaan ang relief work
Sinunod ng lahat ng nakibahagi sa relief work ang safety protocol para sa COVID-19
Dahil sa pagtulong ng mga kapatid sa mga kapuwa mananamba nila sa panahon ng sakuna, naging totoo ang mga salita ng salmista: “Ang nagtitiwala kay Jehova ay napapalibutan ng Kaniyang tapat na pag-ibig.”—Awit 32:10.