Pumunta sa nilalaman

Mga kapatid na kasalukuyang nakabilanggo sa Russia at Crimea

ENERO 3, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Maraming Bansa ang Nagkaisang Gumawa ng Nasusulat na Dokumento na Humihiling na Itigil Na ang Pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova

Maraming Bansa ang Nagkaisang Gumawa ng Nasusulat na Dokumento na Humihiling na Itigil Na ang Pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova

Noong Disyembre 17, 2021, nagkaisa ang maraming bansa na miyembro ng International Religious Freedom or Belief Alliance a (IRFBA) na gumawa ng isang nasusulat na dokumento na humihiling na itigil na ang pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova dahil sa kanilang pananampalataya. Hiniling nito na palayain agad ang lahat ng ikinulong na mga Saksi at itigil na ang pag-torture at pisikal na pag-abuso, pag-raid sa mga bahay, at diskriminasyon.

Sa buong mundo, mahigit 150 mga Saksi ni Jehova ang nakabilanggo dahil sa kanilang pananampalataya, sa mga lugar gaya ng Crimea, Eritrea, Russia, Singapore, at Tajikistan. Nagpahayag ng “matinding pagkabahala” ang mga bansang miyembro ng IRFBA dahil sa “dumaraming pag-uusig sa mga Saksi ni Jehova” at sinabing may karapatan ang mga Saksi na isagawa ang kanilang pananampalataya nang “walang takot, panliligalig, diskriminasyon, o pag-uusig.”

Pinapasalamatan natin ang makatuwirang mga gobyerno na handang suportahan ang ating karapatang sumamba. At alam natin na patuloy na poprotektahan ni Jehova ang ating pinag-uusig na mga kapatid na lubusang nagtitiwala sa kaniya at “patuloy [niya] silang bibigyan ng kapayapaan.”​—Isaias 26:3.

a Ang Alliance ay isang grupo ng mga bansa na determinadong isulong ang kalayaan sa pagsamba at paniniwala sa buong mundo.