Pumunta sa nilalaman

Relief work sa Germany (itaas sa kaliwa), baha sa Belgium (itaas sa kanan), pinsala sa Netherlands (ibaba)

HULYO 27, 2021
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Matinding Baha, Pininsala ang Western Europe

Matinding Baha, Pininsala ang Western Europe

Dahil sa tuloy-tuloy na matinding buhos ng ulan mula Hulyo 13 hanggang 17, 2021, umapaw ang maraming ilog sa Belgium, Germany, Luxembourg, at Netherlands. May mga namatay dahil sa pagbahang ito. Pinag-aaralan pa kung gaano kalaki ang pinsala. Ilan ito sa pinakamatitinding pagbaha na naranasan ng mga bansang ito sa nakalipas na sandaang taon.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang nasugatan nang malubha o namatay

  • Di-kukulangin sa 304 na kapatid ang inilikas

  • Mga 100 bahay ang lubhang nasira

  • Di-kukulangin sa 242 bahay ang bahagyang nasira

  • 11 Kingdom Hall ang nasira

Relief Work

  • 4 na Disaster Relief Committee (DRC) ang binuo; 1 sa Belgium, 2 para sa Germany at Luxembourg, at 1 sa Netherlands

  • Sa kasalukuyan, ang mga DRC ay nagsasagawa ng paglilinis at pagkukumpuni. Kasama dito ang pagpapatuyo sa mga bahay at pag-aalis ng putik, pati na ang paggawa ng emergency repair

  • Hinanapan din ng mga DRC at ng mga elder doon ng pansamantalang matitirhan ang mga kapatid at tiniyak na may malinis na tubig na maiinom ang mga lumikas

  • Pinapatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito sa lugar na iyon ang mga kapatid na naapektuhan

  • Patuloy pa rin ang virtual na mga pulong ng kongregasyon. Nagbibigay ang mga miyembro ng Komite ng Sangay ng pampatibay-loob sa apektadong mga kapatid

  • Sinusunod ng lahat ng tumutulong ang mga safety protocol para sa COVID-19

Tinulungan ng mga elder sa isang kongregasyon sa Netherlands na makalikas ang isang may-edad nang sister. Pagkatapos, kinontak ng mga brother ang anak ng sister, na hindi Saksi ni Jehova, para sabihin sa kaniya na ligtas naman ang nanay niya. Pagkatapos nito, sinabi ng anak sa nanay niya: “Napakahusay ng relihiyon n’yo. Inaalagaan ka nilang mabuti!”

Pinagmasdan ng isang bombero sa Belgium ang mga kapatid na kasama sa relief work. Pinapurihan niya sila dahil gumagamit silang lahat ng tamang protective equipment at organisado sila. Humanga rin ang isang grupo ng mga bombero sa mga kapatid natin sa Germany dahil handa silang makipagtulungan sa mga tagubilin ng mga bombero. Sabi ng isa sa kanila: “Sana may ganiyang crew sa lahat ng lugar.”

Nagpapasalamat ang mga apektadong kapatid sa organisasyon dahil sa tulong na natanggap nila. Nagpapasalamat din sila sa Lupong Tagapamahala dahil sa pagpapaalala sa bayan ni Jehova na maging handa sa likas na mga sakuna. Higit sa lahat, nagpapasalamat sila kay Jehova, dahil tinitiyak niyang ang bayan niya ay ‘namumuhay nang panatag at hindi natatakot sa anumang kapahamakan.’—Kawikaan 1:33.