Pumunta sa nilalaman

MAYO 8, 2024
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Matinding Pagbaha sa Kenya at Tanzania Dahil sa Malalakas na Pag-ulan

Matinding Pagbaha sa Kenya at Tanzania Dahil sa Malalakas na Pag-ulan

Noong Abril 2024, nagkaroon ng matinding pagbaha sa Kenya at Tanzania dahil sa malalakas na pag-ulan. Mahigit 185,000 ang nagsilikas sa Kenya, at mga 200 ang namatay. Sa kalapit na bansa ng Tanzania, mga 200,000 ang nagsilikas at halos 200 ang namatay. Inaasahang magkakaroon pa ng malalakas na pag-ulan sa darating na mga linggo.

Epekto sa mga Kapatid

  • Nakakalungkot, namatay ang isang sister at ang anak niyang babae

  • 59 na kapatid ang lumikas

  • 14 na bahay ang nasira

  • 3 Kingdom Hall at 1 theocratic school facility ang nasira

Relief Work

  • Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan ng pagbaha

Ipinapanalangin natin ang mga kapatid nating naapektuhan ng likas na sakunang ito. Kahit nabubuhay tayo sa mahirap na panahon, alam nating darating ang panahon na “wala [na tayong] anumang katatakutan at kasisindakan.”—Isaias 54:14.