HULYO 12, 2024
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Milyon-Milyon ang Naapektuhan ng Bagyong Beryl
Noong Hunyo 30, 2024, dumaan ang napakalakas na bagyong Beryl sa timog ng isla ng Martinique, sa West Indies. Kinabukasan, lalo pang lumakas ang bagyo at tumama sa Windward Islands, kasama dito ang Barbados, Grenada, at Saint Vincent at ang Grenadines. Nang sumunod na araw, lumakas pa ito at hinagupit ang Venezuela. Pagkatapos, dumaan ito sa timugang baybayin ng Jamaica. Noong Hulyo 5, hinagupit din ng bagyong ito ang Yucatán Peninsula ng Mexico bago tumama sa gawing timog ng United States.
May dalang malakas na pag-ulan ang bagyong ito at umabot nang 270 kilometers per hour ang hangin nito. Sinira nito ang mga bahay, negosyo, at imprastraktura. Nawalan ng kuryente, tubig, at iba pang utility ang milyon-milyong tao na nakatira sa apektadong mga lugar. Iniulat na mahigit 30 tao ang namatay.
Epekto sa mga Kapatid
Martinique (West Indies)
Wala sa ating mga kapatid ang namatay o nasaktan
6 na kapatid ang lumikas
1 bahay ang nawasak
1 bahay ang lubhang napinsala
1 bahay ang bahagyang napinsala
Walang Kingdom Hall ang napinsala o nawasak
Windward Islands
Wala sa ating mga kapatid ang namatay
7 kapatid ang nasaktan
67 kapatid ang lumikas
39 na bahay ang nawasak
31 bahay ang bahagyang napinsala
1 Kingdom Hall ang nawasak
1 Kingdom Hall ang lubhang napinsala
4 na Kingdom Hall ang bahagyang napinsala
Venezuela
Wala sa ating mga kapatid ang namatay o nasaktan
30 kapatid ang lumikas
12 bahay ang lubhang napinsala
9 na bahay ang bahagyang napinsala
1 Kingdom Hall ang lubhang napinsala
Jamaica
Wala sa ating mga kapatid ang namatay o nasaktan
18 kapatid ang lumikas
24 na bahay ang lubhang napinsala
75 bahay ang bahagyang napinsala
19 na Kingdom Hall ang bahagyang napinsala
Mexico
Wala sa ating mga kapatid ang namatay o nasaktan
320 kapatid ang inilikas pero nakabalik na sa kanilang mga bahay
11 bahay ang bahagyang napinsala
Walang Kingdom Hall ang napinsala o nawasak
United States
Wala sa ating mga kapatid ang namatay
6 na kapatid ang nasaktan
242 kapatid ang lumikas
4 na bahay ang nawasak
33 bahay ang lubhang napinsala
471 bahay ang bahagyang napinsala
Walang Kingdom Hall ang napinsala o nawasak
Relief Work
Gamit ang Bibliya, pinatibay ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang lahat ng naapektuhan ng sakuna at nagbigay din sila ng praktikal na tulong. Nag-atas din ng anim na Disaster Relief Committee para mangasiwa sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng sakuna.
Dalangin natin na patuloy na aliwin ni Jehova ang lahat ng nagtitiwala sa kaniya sa mahihirap na panahong ito.—2 Corinto 1:3, 4.