ABRIL 21, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Nagkakaisang Inalaala ng Milyon-Milyon ang Memoryal ng Kamatayan ni Kristo
Noong Abril 15, 2022, inalaala ng milyon-milyong Saksi ni Jehova sa buong mundo at ng mga inanyayahan nilang dumalo ang Hapunan ng Panginoon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagtipon silang magkakasama mula noong 2019. Ang mga hindi nakadalo ay nakapanood naman sa pamamagitan ng videoconference.
Ang Memoryal ng Kamatayan ni Kristo ang pinakamahalagang pagtitipon ng taon para sa mga Saksi ni Jehova. Dahil sa COVID-19 pandemic, ang taunang pagtitipong ito ay ginanap sa pamamagitan ng videoconference sa loob ng dalawang taon. Mahigit 21 milyon ang dumalo sa Memoryal noong 2021.
Para sa ilan, gaya ni Markensia Remy, ng Haiti, ito ang una niyang pagdalo nang aktuwal sa Memoryal. Sinabi ni Markensia, na isang taon nang nabautismuhan: “Masayang-masaya ako na makadalo ng Memoryal sa Kingdom Hall. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya. Ramdam ko na kabilang ako sa isang napakagandang pamilya.”
Nagpapasalamat tayo na pinagpala ni Jehova ang mga pagdiriwang natin ng Memoryal sa taóng ito, at lalo na tayong nagpapasalamat sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Anak, kay Jesu-Kristo, dahil sa pinakadakilang kapahayagan ng pag-ibig kailanman na ipinakita nila.—Juan 3:16.
Argentina
Bolivia
Brazil
Cambodia
Central African Republic
Cook Islands (Rarotonga)
Ecuador
Indonesia
Israel
Japan
Kazakhstan
Kosovo
Mexico
Paraguay
Peru
Philippines
Poland
Romania
Spain
Taiwan
Ukraine
United States
Venezuela