Pumunta sa nilalaman

Mga kapatid sa buong mundo na nagtitipon para ipagdiwang ang Memoryal

ABRIL 21, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Nagkakaisang Ipinagdiwang Inalaala ng Milyon-Milyon ang Memoryal ng Kamatayan ni Kristo

Nagkakaisang Ipinagdiwang Inalaala ng Milyon-Milyon ang Memoryal ng Kamatayan ni Kristo

Mga kapatid na binabati ang isa’t isa sa Chile

Noong Abril 15, 2022, inalaala ng milyon-milyong Saksi ni Jehova sa buong mundo at ng mga inanyayahan nilang dumalo ang Hapunan ng Panginoon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagtipon silang magkakasama mula noong 2019. Ang mga hindi nakadalo ay nakapanood naman sa pamamagitan ng videoconference.

Ang Memoryal ng Kamatayan ni Kristo ang pinakamahalagang pagtitipon ng taon para sa mga Saksi ni Jehova. Dahil sa COVID-19 pandemic, ang taunang pagtitipong ito ay ginanap sa pamamagitan ng videoconference sa loob ng dalawang taon. Mahigit 21 milyon ang dumalo sa Memoryal noong 2021.

Para sa ilan, gaya ni Markensia Remy, ng Haiti, ito ang una niyang pagdalo nang aktuwal sa Memoryal. Sinabi ni Markensia, na isang taon nang nabautismuhan: “Masayang-masaya ako na makadalo ng Memoryal sa Kingdom Hall. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya. Ramdam ko na kabilang ako sa isang napakagandang pamilya.”

Nagpapasalamat tayo na pinagpala ni Jehova ang mga pagdiriwang natin ng Memoryal sa taóng ito, at lalo na tayong nagpapasalamat sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Anak, kay Jesu-Kristo, dahil sa pinakadakilang kapahayagan ng pag-ibig kailanman na ipinakita nila.—Juan 3:16.

 

Argentina

Bolivia

Brazil

Cambodia

Central African Republic

Cook Islands (Rarotonga)

Ecuador

Indonesia

Israel

Japan

Kazakhstan

Kosovo

Mexico

Paraguay

Peru

Philippines

Poland

Romania

Spain

Taiwan

Ukraine

United States

Venezuela