Pumunta sa nilalaman

Sina Brother Aleksandr Dubovenko at Aleksandr Litvinyuk

DISYEMBRE 8, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Nahatulang Mabilanggo Nang Anim na Taon Sina Brother Dubovenko at Litvinyuk

Nahatulang Mabilanggo Nang Anim na Taon Sina Brother Dubovenko at Litvinyuk

Noong Nobyembre 30, 2022, hinatulan ng Armyanskiy City Court of the Republic of Crimea sina Brother Aleksandr Dubovenko at Aleksandr Litvinyuk. Nahatulang makulong nang anim na taon ang dalawang brother at agad na ikinulong.

Profile

Lumalakas ang loob natin kapag alam natin na laging nasa tabi natin si Jehova saanman at kailanman tayo mapaharap sa pagsubok.—Awit 139:7-12.

Time Line

  1. Agosto 2, 2021

    Sinampahan ng kasong kriminal. Ang dalawang brother ay inakusahan na gumagamit ng videoconferencing software para suportahan ang mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon

  2. Agosto 5, 2021

    Hinalughog ang mga bahay ng walong pamilyang Saksi ni Jehova, pati na ang mga bahay ng mga Dubovenko at Litvinyuk. Inaresto si Brother Litvinyuk at inilagay sa temporary detention

  3. Agosto 6, 2021

    Pinalaya si Brother Litvinyuk mula sa temporary detention at inilagay sa house arrest

  4. Agosto 9, 2021

    Hinalughog ng mga pulis ang bahay ng mga Dubovenko sa ikalawang pagkakataon. Sumailalim si Aleksandr sa interogasyon at inilagay sa house arrest

  5. Agosto 11, 2021

    Opisyal na kinasuhan si Brother Litvinyuk dahil sa akusasyon na pag-oorganisa ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon

  6. Pebrero 8, 2022

    Opisyal na kinasuhan si Brother Dubovenko dahil sa akusasyon na pag-oorganisa ng mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon

  7. Abril 29, 2022

    Nagsimula ang paglilitis. Hindi pinagbigyan ng hukom ang kahilingan ni Brother Litvinyuk na magpunta sa doktor at magpagamot habang naka-house arrest

  8. Setyembre 8, 2022

    Ang dalawang brother ay pinayagang umalis ng kanilang bahay sa pagitan ng 7:00 n.u. at 7:00 n.g.

  9. Nobyembre 30, 2022

    Hinatulan ng anim-na-taóng pagkabilanggo ang dalawang brother

a b Ang personal na mga komento ay ibinigay bago ang hatol.