Pumunta sa nilalaman

Kumakaway ang mga estudyante sa mga nanonood

MARSO 20, 2020
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Naiibang Gilead Graduation

Naiibang Gilead Graduation

Ang graduation ng ika-148 klase ng Watchtower Bible School of Gilead ay katulad din ng mga graduation na sinundan nito, pero isa lang ang nawala: mga tagapakinig. Ang mga tagapakinig ay nanonood ng livestream ng programa. Ngayong napapaharap sa krisis sa kalusugan ang buong mundo, ang espirituwal na programang ito ay isang halimbawa kung paano nag-a-adjust ang organisasyon sa nagbabagong kalagayan.

Ginanap ito noong Marso 14, 2020, sa educational center ng mga Saksi ni Jehova sa Patterson, New York. Si Brother Stephen Lett, miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang chairman ng programa. May 55 estudyante na nagtapos. a

Ilang linggo bago ang graduation, marami nang balita tungkol sa pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo. Gaya ng mababasa sa seksiyong Newsroom sa jw.org, sinusubaybayan ng pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova ang kalagayan at nagbibigay ng mga tagubilin sa mga kongregasyon batay sa rekomendasyon ng mga awtoridad.

Isa na rito ang pag-iwas na magkaroon ng malalaking pagpupulong. Kasama iyan sa mga isinaalang-alang ng Lupong Tagapamahala nang magdesisyon sila na wala nang bisitang iimbitahan sa graduation na ito. Bukod diyan, wala ring tagapakinig sa loob ng awditoryum. Nagpakita ng magandang halimbawa ang pamilyang Bethel at mga estudyante ng Gilead sa pagsuporta sa kaayusang ito.​—Juan 13:34, 35.

Pero may livestream para sa mga bisita ng mga estudyante at sa pamilyang Bethel. Dahil dito, mahigit 10,000 kapatid mula sa iba’t ibang bansa, kasama na ang mga kaibigan at kapamilya ng mga estudyante, ang nakapanood ng programa.

Gusto ng Lupong Tagapamahala na patuloy tayong magkaroon ng mga espirituwal na programa, lalo na ng lingguhang mga pulong ng kongregasyon, kahit na ngayong may COVID-19. Kaya naman, nagbigay ang Lupong Tagapamahala ng espesipikong tagubilin sa lahat ng sangay sa buong mundo kung paano ia-adjust ang mga kaayusan sa pulong ng kongregasyon depende sa kanilang kalagayan. Sa ilang lugar, baka puwede silang magtipon bilang isang maliit na grupo o “magkita” sa elektronikong paraan gamit ang videoconference. Nagtitiwala tayo na makikinabang pa rin ang mga kapatid sa buong mundo sa espirituwal na pagkain na patuloy na inilalaan sa lahat ng kongregasyon.

Talagang walang makakapigil sa kapangyarihan ni Jehova na tulungan tayo para malampasan natin ang anumang pagsubok.​—Awit 18:29.

a Ang buong graduation program ng ika-148 klase ng Gilead ay mapapanood sa jw.org sa Hunyo 2020.