DISYEMBRE 31, 2021
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Pampublikong Edisyon ng Bantayan Blg. 2, Ipinamahagi sa Mahigit 300 Wika sa Kampanya Noong Nobyembre
Ini-release sa Pito Pang Wika!
Noong Nobyembre 2021, namahagi ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ng pampublikong edisyon ng Bantayan Blg. 2 2021 sa mahigit 300 wika. Para sa pitong wika, ang isyu Blg. 2 2021 ang unang pagkakataon na naisalin ang Bantayan sa wikang iyon. Ito ang mga wikang Faroese, Hawaii Pidgin, Luxembourgish, Manipuri (Roman), Odia, Pomeranian, at Saint Lucian Creole.
Sinabi ni Brother Nicholas Ahladis, na nagtatrabaho sa Translation Services sa pandaigdig na punong-tanggapan: “Gustong-gusto ng lahat ng uri ng tao ang impormasyon sa mga publikasyon natin. Pero hindi kaya ng ilang translation team na isalin ang bawat isyu ng Bantayan. Ang mga Komite ng Sangay na nangangasiwa sa mga team na iyon ay maaaring magpadala ng request sa Writing Committee ng Lupong Tagapamahala na nagrerekomendang maisalin ang espesipikong paksa. Ganiyan ang ginawa sa isyu ng Bantayan Blg. 2 2021 kaya ito inimprenta sa [pito pang wika].”
Ipinapakita ng sumusunod na mga karanasan sa mga wikang ito ang magagandang resulta ng kampanya at ang patuloy na pagsisikap na ipamahagi ang salig-Bibliyang impormasyon sa mga tao ng lahat ng wika.
Nakakatuwang malaman na maraming tao ang nakabasa ng Bantayan noong espesyal na kampanya. Alam natin na sinusuportahan ng mga kampanyang iyon ang kalooban ng Diyos na “maligtas ang lahat ng uri ng tao at magkaroon sila ng tumpak na kaalaman sa katotohanan.”—1 Timoteo 2:4.