Pumunta sa nilalaman

Aerial view ng property sa Ramapo. Makikita sa dami ng mga pinutol na puno kung gaano kalawak ang construction site. Nakasingit na larawan: Gamit ng isang tagaputol ng puno ang isang chain saw

HUNYO 6, 2023
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Proyekto ng Headquarters sa Ramapo

Patuloy na Paghahanda sa Site sa Ramapo

Patuloy na Paghahanda sa Site sa Ramapo

Noong Hunyo 1, 2023, inaprobahan ng New York State Department of Environmental Conservation ang isang permit para sa clearing ng mga pinutol na puno sa site sa Ramapo. Natapos ang pagpuputol ng mga puno noong Marso 18, mga dalawang linggo bago ang itinakdang panahon ng lokal na mga awtoridad para dito.

Sinabi ni Brother Robert McRedmond, coordinator ng Construction Project Committee (CPC) para sa proyekto sa Ramapo: “Alam namin na sa malalaking proyektong gaya nito, kailangan ang mga permit at approval bago masimulan ang konstruksiyon. Kitang-kita namin ang tulong ni Jehova para matapos ang ilang mga naging problema, at inaasahan naming tutulungan pa kami ni Jehova na makuha ang lahat ng mga kailangan pang approval.”—Isaias 57:14.

Patuloy na nakikipagtulungan ang CPC sa lokal na mga awtoridad para makuha ang lahat ng approval sa Ramapo.