Pumunta sa nilalaman

Si Brother Artem Shabliy

ABRIL 1, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Si Jehova ay ‘Gaya ng Isang Batong Pader’

Si Jehova ay ‘Gaya ng Isang Batong Pader’

Noong Pebrero 16, 2022, hinatulan ng Kerch City Court ng Republic of Crimea si Brother Artem Shabliy at pinatawan ng suspended prison sentence nang dalawang taon. Hindi niya kailangang makulong ngayon.

Time Line

  1. Mayo 26, 2020

    Ni-raid ng mga pulis ang bahay ni Artem at ng apat pang pamilyang Saksi ni Jehova sa Crimea. Nasugatan sa binti ang apat-na-taóng-gulang na anak na lalaki ni Artem nang basagin ng mga awtoridad ang bintana. Pagkatapos ng tatlong-oras na paghalughog, inilagay si Artem nang tatlong araw sa isang bartolina

  2. Hunyo 9, 2020

    Hiniling ni Artem sa Kerch City Court na ipakita sa kaniya ang report ng imbestigasyon na gagamitin laban sa kaniya. Legal na obligasyon ng korte na ipagkaloob ito, pero tumanggi sila

  3. Mayo 24, 2021

    Nagsimula ang paglilitis ng korte. Nagtipon ang maraming kapatid sa korte para sumuporta, pero hindi sila pinayagang makapasok sa loob

Profile

Gaya ng naranasan ni Artem, laging sinusuportahan ni Jehova ang tapat na mga mananamba niya. Nagtitiwala tayo na patuloy Siyang magiging isang malaking bato, isang moog, at ligtas na kanlungan sa lahat ng mahal nating kapatid sa Crimea at Russia.​—Awit 18:2.