Pumunta sa nilalaman

MARSO 28, 2023
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Sinalanta ng Bagyong Freddy ang East Africa

Sinalanta ng Bagyong Freddy ang East Africa

Sinalanta kamakailan ang East Africa ng Bagyong Freddy, isa sa pinakamatagal na bagyong naitala. Mula nang magsimula ito noong Pebrero 2023, sinalanta nito ang maraming bansa. Noong Pebrero 21, 2023, nag-landfall ito sa Madagascar. Pagkatapos ng ilang araw, tumawid ito ng Mozambique Channel at sinalanta rin ang Mozambique at Malawi. Lumakas pa ang bagyo at nag-landfall ulit sa Mozambique noong Marso 11, 2023. Naapektuhan ang maraming lalawigan sa Madagascar, Malawi, at Mozambique. Dahil sa malalakas na hangin at buhos ng ulan, binaha ang mga lugar na ito at nasira ang mga bahay. Mahigit 500 tao ang namatay, pati na ang ilan sa mga kapatid natin. Libo-libo rin ang kinailangang lumikas ng kanilang bahay.

Ang mababasang report sa ibaba ay hanggang nitong Marso 27, 2023. Ang mga ito ay mula sa mga kumpirmadong report ng mga kapatid doon. Pero posibleng mas mataas ang mga aktuwal na bilang, dahil inaalam pa ng mga kapatid ang pinsala sa mga lugar na mahirap puntahan.

Epekto sa mga Kapatid

Madagascar

  • 256 na kapatid at iba pang miyembro ng pamilya nila ang nagsilikas

  • 8 bahay ang nawasak

  • 29 na bahay ang nasira

  • 3 Kingdom Hall ang nasira

Malawi

  • Nakakalungkot, 8 kapatid ang namatay at 6 pa ang nawawala

  • 3 kapatid ang na-injure

  • Di-bababa sa 4,300 kapatid at iba pang miyembro ng pamilya nila ang nagsilikas

  • 821 bahay ang nawasak

  • 174 na bahay ang nasira

  • 20 Kingdom Hall ang nasira

Mozambique

  • Nakakalungkot, 1 kapatid ang namatay at 1 pa ang nawawala

  • 880 kapatid at ang iba pang miyembro ng pamilya nila ang nagsilikas

  • 248 bahay ang nawasak

  • 185 bahay ang nasira

  • 7 Kingdom Hall ang nasira

Relief Work

  • Maraming apektadong lugar ang hindi pa mapuntahan

  • Nagbibigay ang mga Disaster Relief Committee ng tirahan, pagkain, tubig, at mga suplay sa mga naapektuhan

  • Pinapatibay ng isang miyembro ng Komite ng Sangay ang mga kapatid na nagsilikas malapit sa Chókwè, Mozambique

    Sa Mozambique, isang kampo ang itinayo sa lalawigan ng Gaza para maging tirahan ng 167 kapatid at mga miyembro ng pamilya nila na lumikas sa isang Assembly Hall. Daan-daan pa ang tumira sa mga Kingdom Hall at pribadong tirahan sa buong rehiyon

  • Di-bababa sa 16 na bahay ang inayos na

  • Dinadalaw ng mga miyembro ng Komite ng Sangay, mga tagapangasiwa ng sirkito, at lokal na mga elder ang mga pamilyang naapektuhan para malaman ang mga pangangailangan nila at magbigay ng tulong

Kahit sa mahihirap na kalagayang ito, patuloy na nagpupulong ang naapektuhang mga kapatid, hangga’t kaya ng sitwasyon, at nagpapatibayan sa isa’t isa. Nagtitiwala tayo na bibigyan sila ni Jehova ng “lakas na higit sa karaniwan” para tulungan silang makapagtiis.—2 Corinto 4:7.