SETYEMBRE 27, 2022 | UPDATED: MARSO 22, 2024
BALITA SA BUONG DAIGDIG
UPDATE—BINALIGTAD ANG HATOL | Nadaraig ng mga Kapatid ang Pagkasira ng Loob sa Tulong ni Jehova
Noong Marso 21, 2024, binaligtad ng Korte Suprema ng Republic of Crimea ang hatol kay Brother Taras Kuzo, sa asawa niyang si Sister Darya Kuzo, kay Brother Sergey Lyulin, at Brother Petr Zhiltsov. Ibabalik ang kaso nila sa Yalta City Court of the Republic of Crimea para muling litisin.
Noong Pebrero 27, 2023, hinatulan ng Yalta City Court of the Republic of Crimea si Brother Taras Kuzo at ang asawa niyang si Sister Darya Kuzo, pati sina Brother Sergey Lyulin at Petr Zhiltsov. Pinatawan si Darya ng tatlong-taóng suspended prison sentence. Hindi siya makukulong sa ngayon. Sinentensiyahan si Taras na mabilanggo nang anim at kalahating taon. Pareho namang sinentensiyahan sina Sergey at Petr na mabilanggo nang anim na taon at isang buwan. Ikinulong agad ang tatlong brother pagkagaling sa korte.
Time Line
Marso 4, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal si Taras at inakusahan na naglalaan ng pondo sa isang ekstremistang organisasyon
Marso 11, 2021
Ni-raid ang siyam na bahay ng mga Saksi ni Jehova, kasama na ang bahay ng mga Kuzo at ni Sergey. Inilagay si Taras sa temporary detention
Marso 12, 2021
Pinalaya si Taras at inilagay sa house arrest, pero hindi siya pinahintulutang tumira kasama ng kaniyang pamilya
Hulyo 29, 2021
Sinampahan ng kasong kriminal sina Darya, Petr, at Sergey. Si Petr ay inilagay sa temporary detention center
Hulyo 30, 2021
Pinagsama ang mga kasong kriminal. Pinalaya si Petr at inilagay sa house arrest
Agosto 10, 2021
Inaresto si Sergey at dinala sa pretrial detention na mga 800 kilometro ang layo. Sa 16 na oras na biyahe, ang mga kamay niya ay nakaposas sa isang baras na bakal sa ibabaw ng ulo niya at naka-tape naman ang mga paa niya sa upuan
Marso 1, 2022
Pinalaya si Sergey mula sa pretrial detention at inilagay sa house arrest
Abril 4, 2022
Nagsimula ang paglilitis
Hulyo 11, 2022
Pinalaya sina Petr, Sergey, at Taras mula sa house arrest at pinagbawalang magbiyahe
Profile
Habang nasa kulungan, temporary detention, o naka-house arrest, baka madama ng tapat na mga lingkod ni Jehova na sila ay “nasusukol,” pero hinding-hindi iiwan ni Jehova ang mga pinag-uusig dahil sa kaniyang pangalan.—2 Corinto 4:8, 9.