Pumunta sa nilalaman

Mula kaliwa pakanan: Brother Vladimir Maladyka; Brother Vladimir Sakada at ang asawa niyang si Svetlana; Brother Yevgeniy Zhukov

MAYO 9, 2022
BALITA SA BUONG DAIGDIG

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Mga Pamilya sa Crimea, Nakakapagtiis sa Tulong ni Jehova

UPDATE—IKINULONG ANG MGA KAPATID | Mga Pamilya sa Crimea, Nakakapagtiis sa Tulong ni Jehova

Noong Oktubre 6, 2022, hinatulan ng Nakhimovskiy District Court of Sevastopol ang mga brother na sina Vladimir Maladyka, Vladimir Sakada, at Yevgeniy Zhukov. Anim na taon silang mabibilanggo, at agad silang ikinulong.

Time Line

  1. Oktubre 1, 2020

    Ni-raid ng mga FSB agent ang mga bahay ng siyam na pamilya ng mga Saksi ni Jehova sa Sevastopol, pati ang mga bahay ng pamilyang Maladyka, Sakada, at Zhukov. Nang halughugin ang bahay ng mga Maladyka, nakita ng mga agent ang isang pakete ng powdered milk. Sinabi ng mga awtoridad na parang “ilegal na droga” ang tingin nila dito, kaya ipinadala nila si Brother Maladyka at ang asawa niyang si Nataliya, sa isang psychiatric facility para suriin. Napalaya rin si Nataliya nang araw ding iyon. Sina Brother Maladyka, Sakada, at Zhukov ay inilagay sa temporary detention. Inilipat sila kinabukasan sa pretrial detention center

  2. Marso 23, 2021

    Si Brother Sakada ay pinalaya sa pretrial detention at inilagay sa house arrest. Kinabitan siya ng tracking device at pinagbawalang gumamit ng Internet, telepono, o makipag-usap sa ibang brother na kasangkot sa kaso

  3. Marso 30, 2021

    Pinalaya si Brother Maladyka mula sa pretrial detention at inilagay sa house arrest

  4. Mayo 17, 2021

    Pinalaya si Brother Zhukov mula sa pretrial detention matapos makulong nang pitong buwan at inilagay sa house arrest

  5. Setyembre 30, 2021

    Nagsimula ang paglilitis

Profile

Nagtitiwala tayo na patatatagin ni Jehova ang mga puso ng mga kapatid na ito at ng lahat ng mga pinag-uusig sa Crimea.​—1 Tesalonica 3:12, 13.