Pumunta sa nilalaman

Si Brother Maksim Zinchenko at ang asawa niyang si Karina

ENERO 23, 2024 | UPDATED: ABRIL 18, 2024
BALITA SA BUONG DAIGDIG

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Posible ang Lahat ng Bagay Kung May Pananampalataya ang Isa”

UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Posible ang Lahat ng Bagay Kung May Pananampalataya ang Isa”

Noong Abril, 16, 2024, hinatulan ng Nakhimovskiy District Court ng lunsod ng Sevastopol si Brother Maksim Zinchenko. Sinentensiyahan siya ng dalawang-taóng sapilitang pagtatrabaho. Kailangan niyang tumira sa isang correctional facility at magtrabaho sa lugar na sasabihin sa kaniya.

Profile

Sigurado tayo na gagantimpalaan ni Jehova ang lakas ng loob at pagtitiis ni Maksim at ng lahat ng patuloy na gumagawa ng kalooban Niya.—Hebreo 10:35, 36.

Time Line

  1. Mayo 17, 2023

    Sinampahan ng kasong kriminal dahil sa diumano’y pakikibahagi sa mga gawain ng isang ekstremistang organisasyon

  2. Mayo 22, 2023

    Hinalughog ang bahay niya. Pinagtatanong sina Maksim at Karina. Dinala si Maksim sa temporary detention center

  3. Mayo 24, 2023

    Pinalaya si Maksim pero hindi pinayagang umalis ng bahay

  4. Hulyo 12, 2023

    Nagsimula ang paglilitis