PEBRERO 25, 2016
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Mga Saksi ni Jehova—Namamahagi ng Imbitasyon sa Buong Mundo Para sa Taunang Pag-alaala sa Kamatayan ni Kristo
NEW YORK—Sa Sabado, Pebrero 27, sisimulan ng mga Saksi ni Jehova ang pambuong-daigdig na pag-aanyaya sa publiko para sa itinuturing ng mga Saksi na pinakamahalagang okasyon ng taon, ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo, na gaganapin sa Marso 23. Sinabi ni David A. Semonian, tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang pandaigdig na punong-tanggapan sa New York: “Sa pag-alaalang ito, magkakaroon ng isang pahayag na nagpapaliwanag kung bakit ang kamatayan ni Jesus na halos dalawang libong taon na ang nakararaan ay mahalaga pa rin sa ating panahon at kung paano ito nagbibigay ng pag-asa sa hinaharap. Gusto naming makinabang ang pinakamaraming tao hangga’t posible sa espirituwal na patnubay na makukuha sa okasyong ito.”
Sa panahon ng kampanya, mga walong milyong Saksi sa buong mundo ang personal na dadalaw sa mga tao para anyayahan sila sa okasyong ito. Noong nakaraang taon, halos 20 milyon ang dumalo sa Memoryal.
Media Contact:
David A. Semonian, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000