MARSO 20, 2015
BALITA SA BUONG DAIGDIG
Tinatayang 20 Milyon, Dadalo sa Taunang Okasyon ng mga Saksi
NEW YORK—Sa Biyernes, Abril 3, 2015, pagkalubog ng araw, gugunitain ng mga Saksi ni Jehova ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo, na para sa kanila ay ang pinakamahalagang okasyon ng taon. Kasama sa paggunitang ito ang isang 45-minutong pahayag pangmadla na “Pahalagahan ang Ginawa ni Kristo Para sa Iyo!” Ilang linggo bago ang espesyal na okasyong ito, ang mga Saksi ay magkakaroon ng pandaigdig na kampanya para anyayahan ang kanilang mga kapitbahay, kaibigan, at kapamilya na dumalo.
Sinabi ni J. R. Brown, isang tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang pandaigdig na punong-tanggapan sa Brooklyn, New York: “Noong nakaraang taon, mga 8 milyong Saksi ni Jehova ang nag-anyaya para sa Memoryal ng kamatayan ni Kristo, at halos 20 milyon ang dumalo. Ngayong taon, umaasa kami na mas marami pa ang dadalo.”
Media Contact:
International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000