Pumunta sa nilalaman

MAYO 4, 2016
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Katapatan—Tampok sa 2016 Kombensiyon ng mga Saksi

Katapatan—Tampok sa 2016 Kombensiyon ng mga Saksi

NEW YORK—Inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova ang publiko na daluhan ang kanilang 2016 “Manatiling Matapat kay Jehova!” na mga Panrehiyong Kombensiyon. Simula sa Biyernes, Mayo 20, idaraos ng mga Saksi ang walang-bayad na mga pagtitipong ito sa United States at sa buong daigdig.

Itatampok sa tatlong-araw na programa ang 49 na presentasyon, na tatalakay sa iba’t ibang aspekto ng “katapatan.” Naghanda rin ang mga Saksi ng 35 video segment kaugnay ng programa at ng dalawang maiikling pelikula na ipapalabas nang Sabado at Linggo. Bawat araw, ang mga sesyon sa umaga at hapon ay magsisimula sa mga music video na inirekord para sa kombensiyon.

Gaya noong nakaraang mga taon, ang mga Saksi ay mamamahagi ng espesyal na imbitasyon sa publiko para anyayahan silang dumalo sa programa. Makikita sa jw.org, opisyal na website ng mga Saksi, ang mga petsa at lokasyon ng bawat kombensiyon. Ang mga journalist ay maaaring kumontak sa pinakamalapit na tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova para sa higit pang impormasyon, pati na ang pangalan ng local media contact para sa mga reporter na planong magbalita tungkol sa kombensiyon.

Sinabi ni David A. Semonian, isang tagapagsalita para sa mga Saksi ni Jehova sa kanilang pandaigdig na punong-tanggapan sa Brooklyn, New York: “Naniniwala kami na ang katapatan ay mahalagang bahagi ng anumang magandang ugnayan. Itinatampok sa programa ng aming kombensiyon sa taóng ito kung ano ang tutulong sa mga tao na magkaroon ng mas matibay na buklod sa kanilang mga kaibigan, kapamilya at, higit sa lahat, sa Diyos. Natitiyak namin na masisiyahan sa programa ang lahat ng dadalo.”

Media Contact:

David A. Semonian, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000