Pumunta sa nilalaman

HULYO 8, 2013
BALITA SA BUONG DAIGDIG

Mga Pagbaha sa Gitnang Europa

Mga Pagbaha sa Gitnang Europa

Noong unang linggo ng Hunyo, ang malalakas na pag-ulan sa gitnang Europa ay nagdulot ng mga pagbaha sa Austria, Czech Republic, Germany, Hungary, Slovakia, at Switzerland. Mga 20 katao ang namatay at mga 100,000 ang inilikas sa buong rehiyon. Ayon sa mga report, walang Saksi na namatay o malubhang nasugatan. Pero di-kukulangin sa 100 Saksi sa Germany at mga sampung pamilya sa Czech Republic ang kinailangang ilikas mula sa kanilang tahanan. Ang mga Saksing nagsilikas ay nakitira sa bahay ng mga kapamilya o ng mga kapuwa Saksi. Isang Kingdom Hall sa Germany at isa pa sa Austria ang nawasak. Ang mga tagapangasiwang Saksi sa rehiyong ito ay nagsaayos na tulungan sa materyal at espirituwal ang mga biktima.

Media Contacts:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000

Germany: Wolfram Slupina, tel. +49 6483 41 3110

Slovakia: Rastislav Eliaš, tel. +421 2 49107611