Pumunta sa nilalaman

MAYO 16, 2013
BALITA SA BUONG DAIGDIG

“Ang Salita ng Diyos ay Katotohanan!” na Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova, Nagsimula Na

“Ang Salita ng Diyos ay Katotohanan!” na Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova, Nagsimula Na

NEW YORK—Naghahanda na ang mga Saksi ni Jehova para sa kanilang taunang kombensiyon at kampanya para anyayahan ang publiko. Ang tema ng kombensiyon sa taóng ito ay “Ang Salita ng Diyos ay Katotohanan!” Magsisimula ito sa Estados Unidos ngayong Mayo at magpapatuloy hanggang Disyembre sa buong daigdig.

“Makahulugan ang tema ng kombensiyon sa taóng ito dahil idiniriin nito ang isang bagay na mahalaga sa mga pamilyang Saksi ni Jehova,” ang sabi ni J. R. Brown, tagapagsalita ng mga Saksi. “Para sa mga pamilyang Saksi, ang Bibliya ang pinakamaaasahang gabay at mapagkukunan ng payo sa maligalig na panahong ito. Naniniwala kaming makikinabang din at masisiyahan ang publiko sa praktikal na programang ihaharap sa iba’t ibang paraan.”

Sinabi ni Mr. Brown na priyoridad ng mga Saksi ni Jehova ang personal na pag-aaral ng Bibliya. Linggu-linggo, ang mga pamilyang Saksi ay naglalaan ng isang gabi para sa pag-aaral ng Bibliya at pagsasaliksik, na tinatawag nilang “Pampamilyang Pagsamba.” “Ang kombensiyon sa taóng ito ay magbibigay ng mga bagong pantulong para sa pampamilya at personal na pag-aaral ng Bibliya,” dagdag pa ni Mr. Brown. “Ito ang ‘bagong bagay’ na pinananabikan naming mga Saksi taun-taon sa aming kombensiyon.”

Ang mga petsa at lokasyon ng 2013 “Ang Salita ng Diyos ay Katotohanan!” na Pandistritong Kombensiyon ay makikita sa jw.org, ang opisyal na Web site ng mga Saksi. Puwedeng kontakin ng mga journalist ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova para sa higit pang impormasyon, kasama na ang pangalan ng taong maaaring kontakin ng mga reporter na nagpaplanong magbalita tungkol sa kombensiyon.

Media Contact:

International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000