Pumunta sa nilalaman

MARSO 24, 2023
BURKINA FASO

Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin sa Moore

Ini-release ang Bagong Sanlibutang Salin sa Moore

Noong Marso 19, 2023, ipinatalastas ni Brother Youssouf Ouedraogo, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Benin, ang release ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Moore. Ipinatalastas ito sa programa na ginanap sa Ouagadougou, ang kabiserang lunsod ng Burkina Faso. a Marami ang nakapanood sa programa sa pamamagitan ng video conference. Mahigit 1,730 ang dumalo. Pagkatapos ng release, binigyan ng inimprentang kopya ang mga dumalo at puwede na rin nilang ma-download ang digital format.

Ang Moore ang ginagamit na wika ng mga walong milyong nakatira sa Burkina Faso. Ginagamit din ito sa kalapit na mga bansa ng Côte d’Ivoire, Ghana, Mali, Senegal, at Togo.

Ito ang unang pagkakataon na isinalin ng mga Saksi ni Jehova ang buong Bibliya sa isang lokal na wika ng Burkina Faso. Kahit may ilang salin na ng Bibliya sa wikang Moore, hindi makikita sa mga iyon ang pangalan ng Diyos na Jehova.

Sinabi ng isang translator: “Mahirap i-translate ang ilang patulang aklat, gaya ng Kawikaan at Awit ni Solomon, kasi hindi ito natural sa Moore. Pero pagkatapos mai-translate ang mga ito, tuwang-tuwa kaming makita na napakadaling maintindihan ng mga aklat na ito!”

Masaya tayo na tinanggap na ng mga kapatid natin na nagsasalita ng Moore ang regalong ito mula kay Jehova.—Santiago 1:17.

a Ang sangay sa Benin ang nangangasiwa sa gawain sa Burkina Faso.