OKTUBRE 10, 2022
CAMEROON
Kumpletong Bagong Sanlibutang Salin, Ini-release sa Bassa (Cameroon)
Noong Oktubre 1, 2022, ini-release ni Brother Stephen Attoh, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Cameroon, ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa Bassa (Cameroon) sa elektronikong format nito. Ini-release ang Bibliya sa isang programa na patiunang inirekord at napanood via streaming. Makukuha ang inimprentang mga kopya ng Bibliya sa Abril 2023. Ito ang unang kumpletong Bibliya na naisalin ng mga Saksi ni Jehova sa isang lokal na wika ng Cameroon. Noong 2019, ini-release ng mga Saksi ang Kristiyanong Griegong Kasulatan sa Bassa (Cameroon).
Bago nito, may makukuha nang ibang mga salin ng kumpletong Bibliya sa Bassa (Cameroon). Pero ang mga saling ito ay bihira at mahal. Hindi na rin ito gaanong maintindihan ng karamihan. Sabi ng isang translator: “Ngayong may bago nang release, mas madali nang magkakaroon ng Bibliya ang mga interesado. Madali na itong maiintindihan kasi simple at modernong wika na ang ginamit.”
Masaya tayo na mayroon na ngayong kumpletong Bagong Sanlibutang Salin ang mga kapatid natin na nagsasalita ng Bassa (Cameroon). Magagamit nila ito sa pag-aaral at sa ministeryo kapag hinahanap nila ang mga karapat-dapat.—Mateo 10:11.