Pumunta sa nilalaman

Ang bagong sangay sa Cameroon na may isang office building at apat na residence building

PEBRERO 13, 2020
CAMEROON

Natapos Na ang Paglipat ng Sangay sa Cameroon sa Kanilang Bagong Tanggapang Pansangay

Natapos Na ang Paglipat ng Sangay sa Cameroon sa Kanilang Bagong Tanggapang Pansangay

Noong Enero 20, 2020, ang pamilyang Bethel sa Cameroon ay lumipat sa bagong tanggapang pansangay sa Logbessou, na nasa hilagang-silangan sa siyudad ng Douala. May 59 na kapatid na nakatira at buong-panahong naglilingkod sa bagong sangay, at 71 naman ang nagko-commute.

Mga kapatid na nagbababa ng furniture sa bagong pasilidad

Ang dating sangay sa Cameroon ay nasa Bonaberi, sa kanlurang siyudad ng Douala. Mayroon itong mga gusali na ni-renovate ng mga kapatid noong 1993 matapos alisin ang 23-taóng pagbabawal sa ating organisasyon sa bansang iyon. Mula 1993, tumaas ang bilang ng mamamahayag sa teritoryo ng sangay sa Cameroon mula 19,268 at naging mahigit 52,000. Umabot na rin sa 29 ang wikang isinasalin sa sangay. Dahil dito, naghanap ang mga kapatid ng mas malaking pasilidad para sa lumalaking gawain. a

Mga Bethelite sa Accounting department na nagtatrabaho sa bago nilang opisina

Magkakaroon ang sangay ng information center para sa mga bisita, na magbubukas sa dulo ng 2020. Magkakaroon ito ng mga exhibit tungkol sa mga gawain sa sangay at kasaysayan ng gawaing pangangaral sa Cameroon, Equatorial Guinea, at Gabon.

Isang karatula sa wikang English at French na bumabati sa mga Bethelite sa bago nilang sangay

Sinabi ni Brother Stephen Attoh, miyembro ng Komite ng Sangay sa Cameroon: “Nang lumipat kami sa bago at maganda naming sangay, pakiramdam namin, nananaginip lang kami. Gusto naming ibigay ang buong makakaya namin kay Jehova sa napakagandang lugar na ito. Maraming ginawa para sa amin si Jehova, at talagang nagpapasalamat kami rito.”—Awit 145:7.

a Bukod sa Cameroon, nangangasiwa rin ang sangay sa gawaing pangangaral sa Equatorial Guinea at Gabon, na sa kabuoan ay may 667 kongregasyon.