MARSO 22, 2019
CAMEROON
Update: Nabubuo Na ang Bagong Tanggapang Pansangay ng Cameroon
Isang taon na ang nakakalipas mula nang simulan ang pagtatayo ng bagong pasilidad ng sangay sa Cameroon. Gaya ng makikita sa larawan sa itaas, buo na ang ilang bahagi ng apat na residence at isang office building. Ang bagong sangay ay puwedeng tuluyan ng 60 katao, at 71 naman ang kasya sa mga opisina. Inaasahan nilang magagamit ang pasilidad sa pagtatapos ng Disyembre 2019. Makikita sa mga larawang ito ang mga natapos na sa konstruksiyon.
Hulyo 2018: Inilatag ang unang layer ng block sa Residence Three na nasa gawing unahan.
Agosto 2018: Palilibutan ng pader ang buong property.
Setyembre 2018: Tapós na ang brickwork ng unang palapag ng Residence Four na nasa gawing unahan.
Oktubre 2018: Ang magiging hitsura ng pasukan ng lobby ng office building.
Disyembre 2018: Ikinakabit sa Residence Two at Residence Three ang bubong na yari sa bakal.