Pumunta sa nilalaman

Sina Brother at Sister Mudaheranwa na mga payunir, bago pumunta sa trabaho

ABRIL 6, 2020
CANADA

Kapayapaan sa Gitna ng Kaguluhan

Kapayapaan sa Gitna ng Kaguluhan

Si Brother Jean-Yves at ang asawa niyang si Vasthie Mudaheranwa ay mga frontliner sa Montreal, Canada. Si Brother Mudaheranwa ay isang respiratory therapist sa ospital, at si Sister Mudaheranwa naman ay nurse sa isang COVID-19 treatment center. Sa nakaka-stress na panahong ito, umaasa sila kay Jehova para sa lakas, at nagkakaroon sila ng “mabuting kalagayan ng puso” gaya ng ipinangako ni Jehova.—Isaias 65:14.

“Ngayon ko lang nakitang takot na takot ang mga katrabaho ko,” sinabi ni Brother Mudaheranwa. “Malaking tulong sa akin ang personal na pag-aaral,” ang sabi ni Sister Mudaheranwa. “Pinag-iisipan namin ang tanda ng mga huling araw, at kasabay nito, lagi rin naming tinatandaan na kasama namin si Jehova at hindi niya kami iiwan. Nakakatulong din ang panalangin. Bago ako pumasok, nananalangin ako at napapanatag ako.”

Ang mga Mudaheranwa habang nagpupulong

“Galing ako sa Rwanda, at nandoon ako nang mangyari ang genocide,” sinabi ni Brother Mudaheranwa. “Sa Canada, wala kaming nararanasang ganiyan, kaya minsan, nakakalimutan naming nabubuhay na tayo sa mga huling araw. Ang totoo, kahit ako, hindi ko minsan naiisip na malapit na talaga ang araw ni Jehova. Pero dahil sa pandemic na ito, sigurado akong nabubuhay na tayo sa mga huling araw, at tumibay ang pananampalataya ko sa Bibliya at sa mga hula nito.”

Iyan din ang pagtitiwala ng mga lingkod ni Jehova sa buong mundo. Dahil dito, nagkakaroon sila ng kapayapaan sa panahong ito ng krisis.—Isaias 48:18.