MAYO 17, 2019
CANADA
Matinding Pagbaha sa Canada
Libo-libo ang lumikas dahil sa pagbaha sa New Brunswick, Ontario, at Quebec sa Canada. Sa Quebec pa lang, mga 9,000 tao na ang inilikas.
Ayon sa ulat ng sangay sa Canada, 44 na bahay ng mga kapatid sa Quebec ang napinsala. Wala pang naiulat na pinsala sa New Brunswick at Ontario, pero baha pa rin sa mga lugar na ito.
Sa mga naapektuhang lugar sa Quebec, nakikipagtulungan ang mga tagapangasiwa ng sirkito sa mga elder para madalaw at mapatibay ang mga mamamahayag. Dumalaw rin ang isang kinatawan ng sangay sa mga lugar na pinakaapektado para maglaan ng espirituwal na tulong. Sa rehiyon ng Beauce, natapos na ng mga brother at sister ang paglilinis at pag-aalis ng putik sa 20 bahay ng mga kapatid natin na binaha. Binuo ang isang Disaster Relief Committee sa Sainte-Marthe-sur-le-Lac para matulungan ang mga napinsala ang bahay.
Ipinapanalangin natin ang mga kapatid na naapektuhan ng pagbaha. Patuloy sana silang magtiwala kay Jehova, ang kanilang “lakas at kapangyarihan.”—Exodo 15:2.