DISYEMBRE 24, 2021
CANADA
Pag-alaala sa Isang Pamana ng Pananampalataya Mula sa mga Kampong Piitan sa Canada
Noong tag-araw ng 1946, pinalaya ng mga awtoridad sa Canada ang mga kabataang Saksi ni Jehova mula sa ilang kampong piitan sa liblib na mga lugar ng Canada. Halos 300 sa ating mga kabataang brother ang sapilitang pinagtrabaho sa mga kampo dahil tumanggi silang magsundalo dahil sa kanilang konsensiya. Lakas-loob na tiniis ng mga kapatid ang mahirap na karanasan at naging mas malapít sila kay Jehova dahil doon. Ngayon ang ika-75 taon mula nang mapalaya sila sa kampo. Sinabi ni Don MacLean, isa sa natitira pang buháy na brother mula sa grupong iyon: “Napatibay talaga ako ng mga karanasan ko noong panahon ng digmaan. Lagi kong aalalahanin ang mga iyon nang may pasasalamat kay Jehova.”