Pumunta sa nilalaman

HULYO 26, 2019
CANADA

Toronto, Canada—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon

Toronto, Canada—“Ang Pag-ibig ay Hindi Kailanman Nabibigo”! 2019 Internasyonal na Kombensiyon
  • Petsa: Hulyo 19-21, 2019

  • Lokasyon: Exhibition Place, Toronto, Ontario, Canada

  • Wika ng Programa: English, Portuguese, Spanish

  • Pinakamataas na Bilang ng Dumalo: 46,183

  • Bilang ng Nabautismuhan: 317

  • Bilang ng Delegado Mula sa Ibang Bansa: 5,000

  • Mga Sangay na Imbitado: Brazil, Britain, Central America, Finland, India, Japan, Korea, Pilipinas, Ukraine, United States

  • Karanasan: “Lahat ng sinabi ng komite ng kombensiyon [ng mga Saksi ni Jehova] na asahan namin sa venue—ang kalidad ng serbisyong gagawin nila sa venue—ay talaga ngang nangyari,” ang sabi ni Laura Purdy, isang general manager sa Exhibition Place. “Nag-research kami nang konti at nagtanong kami sa ibang venue na pinagdausan na rin ng kombensiyon, at naranasan din nila ang nararanasan namin ngayon.” Sinabi rin ni Ms. Purdy: “Palakaibigan ang lahat sa kombensiyon. Irerekomenda ko sa ibang venue na tanggapin din ang mga kombensiyon ng mga Saksi sa lugar nila.”

 

Sinasalubong ng mga kapatid sa Toronto ang mga delegadong dumarating sa airport

Mga delegado at lokal na mga kapatid ang nag-e-enjoy sa ministeryo

Mga Bethelite na tumutugtog para sa mga delegadong bumisita sa sangay sa Canada

Si Brother Geoffrey Jackson, miyembro ng Lupong Tagapamahala, habang ibinibigay ang huling pahayag noong Biyernes

Isa sa 317 bagong kapatid habang binabautismuhan noong Sabado

Mga kapatid na kumukuha ng nota sa panahon ng kombensiyon

Mga misyonero at iba pang nasa pantanging buong-panahong paglilingkod na naglalakad sa harapan ng awditoryum habang pumapalakpak ang mga kapatid bilang pagpapahalaga sa kanilang paglilingkod

Isinasadula ng limang sister ang isang radio broadcast noong dekada ng 1920 sa istasyon ng CKCX na nasa Toronto, Canada. Pagdating ng 1926, ang mga Estudyante ng Bibliya (tawag noon sa mga Saksi ni Jehova) ay mayroon nang sarili nilang istasyon ng radyo sa apat na lunsod sa Canada; isa itong mahalagang bahagi sa teokratikong kasaysayan ng Canada

Pinangungunahan ng isang brother ang grupo ng mga kabataan na umaawit sa isa sa maraming espesyal na programa para sa mga delegado