AGOSTO 30, 2018
CANADA
Ayaw Makialam ng Korte Suprema ng Canada sa Pagtitiwalag
Sa kaso ng Highwood Congregation of Jehovah’s Witnesses (Judicial Committee) v. Wall, nagkaisa ang desisyon ng Korte Suprema ng Canada noong Mayo 31, 2018, na “ang mga relihiyon ay may karapatang pumili kung sino ang magiging miyembro nila at gumawa ng sarili nilang mga tuntunin.” Kaya hindi dapat makialam ang korte sa pagtitiwalag.
Nakita ng Korte na ang paraan ng mga Saksi sa pagsusuri ng malubhang kasalanan “ay hindi malupit, kundi nilayon para tulungan ang miyembro na makabalik sa Kongregasyon.” At hindi puwedeng makialam ang korte sa gayong pribadong kaayusan.
Ipinaliwanag ni Supreme Court Justice Malcolm Rowe kung bakit ganoon ang hatol ng panel na binubuo ng siyam na hukom. Sinabi niya: “Maaaring kasama sa mga paraan at tuntunin ng isang relihiyon ang mga paniniwala nila, gaya ng sa kasong ito. Ang mga korte ay walang awtoridad o kakayahang magdesisyon pagdating sa doktrina ng isang relihiyon.”
Sinabi ni Philip Brumley, abogado ng mga Saksi ni Jehova: “Ang desisyon ng Korte Suprema ng Canada ay katulad ng desisyon ng mataas na hukuman ng Argentina, Brazil, Hungary, Ireland, Italy, Peru, Poland, at United States na kilalanin ang ating karapatang sundin ang sinasabi ng Kasulatan kapag nagpapasiya kung sino ang kuwalipikadong maging Saksi ni Jehova.”—1 Corinto 5:11; 2 Juan 9-11.