HULYO 17, 2013
CANADA
Malalakas na Pag-ulan Nagdulot ng Pagbaha sa Alberta
Dahil sa malakas na bagyong nagsimula noong Hunyo 19, 2013, nagkaroon ng matinding pagbaha sa probinsiya ng Alberta sa Canada. Mga apat katao ang namatay dahil sa pagbaha at mahigit 100,000 residente ang inilikas. May kabuuang 298 Saksi ni Jehova ang unang inilikas mula sa lugar na iyon, at isang kombensiyon ng mga Saksi na gaganapin sana sa Saddledome, isang malaking arena sa Calgary, Alberta, ang kinailangang ipagpaliban. Sa bayan ng High River, sinira ng baha ang 58 bahay ng mga Saksi ni Jehova at matinding pinsala ang inabot ng Kingdom Hall. Isang relief committee na binubuo ng mga tagapangasiwang Saksi sa lugar na iyon ang tumulong, at isang kinatawan ng tanggapang pansangay ng Canada ang naglakbay patungo sa apektadong lugar para magbigay ng espirituwal na kaaliwan sa mga biktima.
Media Contacts:
International: J. R. Brown, Office of Public Information, tel. +1 718 560 5000
Canada: Mark Ruge, tel. +1 905 873 4100