HULYO 25, 2017
CANADA
British Columbia—Sinalanta ng Wildfire, mga Saksi Na-stranded sa Venue ng Kombensiyon
Mahigit sa 130 pamilyang Saksi ni Jehova ang hindi nakauwi sa kani-kanilang bahay pagkatapos dumalo sa kanilang taunang kombensiyon noong Hulyo 7-9, 2017, dahil sa mabilis na paglaganap ng wildfire sa gawing timog ng Prince George, British Columbia, kung saan iniutos na ng mga awtoridad ang paglikas.
Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Canada, na nasa lalawigan ng Ontario, ay bumuo ng disaster relief committee para maglaan ng tirahan at pagkain sa apektadong mga Saksi. Pinayagan ng mga opisyal ng CN Centre, ang lugar kung saan nagtipon ang 2,500 Saksi para sa kanilang kombensiyon, na i-park ang kanilang mobile trailer sa bakuran nito bilang pansamantalang kaayusan para matuluyan nila.
Inoorganisa ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova ang pagtulong sa mga nakaranas ng sakuna mula sa kanilang pandaigdig na punong-tanggapan, gamit ang mga pondong iniabuloy sa pandaigdig na gawaing pagmiministeryo ng mga Saksi.
Media Contacts:
International: David A. Semonian, Office of Public Information, +1-845-524-3000
Canada: Matthieu Rozon, +1-905-873-4100