Pumunta sa nilalaman

Binaha ang Doñihue (kaliwa) at ang Linares (kanan), Chile

HULYO 6, 2023
CHILE

Libo-libo ang Binaha sa Chile

Libo-libo ang Binaha sa Chile

Mula Hunyo 22 hanggang 25, 2023, bumuhos ang mahigit 58 sentimetro ng ulan sa southern at central Chile. Mga 20,000 ang nakatira sa mga lugar na binaha. Mahigit 5,000 bahay ang nawasak o nasira. Libo-libo pang tao ang inililikas. Dalawang tao ang namatay, at dalawa pa ang nawawala.

Epekto sa mga Kapatid

  • Walang kapatid na namatay o nasugatan

  • 212 kapatid ang lumikas

  • 13 bahay ang matinding napinsala

  • 38 bahay ang bahagyang napinsala

  • Walang Kingdom Hall o iba pang teokratikong pasilidad ang napinsala

Relief Work

  • Nagtulungan ang daan-daang boluntaryo para linisin at kumpunihin ang nasirang mga bahay

  • Pinapatibay at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan

  • 2 Disaster Relief Committee ang inatasang manguna sa relief work

Ipinapanalangin natin na patuloy sanang patibayin at palakasin ni Jehova ang mga kapatid natin sa Chile na nagtitiis dahil sa sakunang ito.​—2 Tesalonica 2:16, 17.