Pumunta sa nilalaman

Mga wildfire sa bayan ng Ñipas sa Ñuble Region ng Chile

PEBRERO 17, 2023
CHILE

Malaki ang Napinsala ng mga Wildfire sa Central Chile

Malaki ang Napinsala ng mga Wildfire sa Central Chile

Wala pang sampung taon, nagkaroon na ulit ng ikalawang maramihang wildfire sa Chile. Sinabi ng mga awtoridad na may mahigit 300 wildfire na sa buong bansa simula noong Pebrero 2023. Halos 20 percent sa mga ito ang nagpapatuloy pa rin ngayon. Natupok ang mahigit 430,000 ektarya ng lupain sa central region ng Araucanía, Biobío, at Ñuble. May mga report din ng pinsala sa imprastraktura, gaya ng mga highway at ospital. Di-bababa sa 6,000 tao ang naapektuhan ng mga sunog, at mahigit 1,500 bahay ang natupok. May 25 naitalang namatay.

Epekto sa mga Kapatid

  • Nasunog na bahay ng isang sister sa lunsod ng Tomé, Biobío Region

    Walang kapatid na namatay

  • 222 kapatid ang napilitang lumikas; 76 sa kanila ang hindi pa rin nakakabalik sa bahay nila

  • 18 bahay ang nawasak

  • Walang Kingdom Hall na nasira

Relief Work

  • Nagbibigay ng maibiging espirituwal na suporta ang lokal na mga elder at mga tagapangasiwa ng sirkito sa mga naapektuhan ng sakuna

  • Isang Disaster Relief Committee ang inorganisa para sa relief work

Sa mahihirap na kalagayang ito, makapagtitiwala ang mga kapatid natin na kasama nila si Jehova, na “umaaliw sa atin sa harap ng lahat ng pagsubok.”—2 Corinto 1:4.