Pumunta sa nilalaman

SETYEMBRE 12, 2023
CHILE

Pininsala ng mga Pagbaha ang Timugang Chile

Pininsala ng mga Pagbaha ang Timugang Chile

Mula Agosto 19 hanggang 23, 2023, binagyo at binaha ang timugang Chile. Nakakalungkot, naapektuhan nito ang marami nating kapatid na sinalanta na rin ng baha sa lugar na iyon noong Hunyo 2023. Ipinapakita ng mga ulat na ang panahong ito ang pinakamaulan sa rehiyong iyon sa loob ng mahigit 10 taon. Dahil sa pag-init ng tubig sa Pacific Ocean at sa tinatawag na El Niño, dumami ang mga pag-ulan at pagbaha sa maraming lugar. Halos 25,000 bahay ang nasira o lubusang nawasak, at di-kukulangin sa tatlo katao ang namatay.

Epekto sa mga Kapatid

  • Pininsala ng baha ang bahay ng isang kapatid na pinagpupulungan

    Walang namatay o nasugatan sa ating mga kapatid

  • 225 mamamahayag ang nagsilikas

  • 13 bahay ang nasira

  • 38 bahay ang bahagyang nasira

  • 3 Kingdom Hall at isang bahay ng kapatid na pinagpupulungan ang bahagyang nasira

Relief Work

  • Tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at ng mga elder ang mga naapektuhan sa mga lugar na iyon at pinapatibay sila mula sa Bibliya

  • 2 Disaster Relief Committee ang inatasan para pangasiwaan ang pagtulong sa mga biktima ng sakuna

Ipinapanalangin natin ang ating mga kapatid na naapektuhan ng mga pagbaha sa Chile, at nasasabik na tayo sa pagdating ng Kaharian ng Diyos kung kailan mawawala na ang ganitong mga sakuna.—Isaias 32:18.