Pumunta sa nilalaman

PEBRERO 13, 2024
CHILE

Sinalanta ng Malalaking Wildfire ang Rehiyon ng Valparaíso sa Chile

Sinalanta ng Malalaking Wildfire ang Rehiyon ng Valparaíso sa Chile

Noong Pebrero 2, 2024, nagkaroon ng dalawang malalaking wildfire sa rehiyon ng Valparaíso sa Chile dahil sa malakas na hangin at matinding init. Tinupok ng apoy ang mahigit 15,000 bahay sa mataong lunsod ng Viña del Mar. Tinatayang mga 40,000 tao ang naapektuhan ng mga wildfire. Marami ang wala pa ring kuryente at tubig. Nahirapan ang mga bombero, paramedic, at iba pa na marating ang ilan sa apektadong lugar. Ipinapakita ng mga ulat na daan-daan ang nasugatan. Mahigit 130 ang namatay.

Epekto sa mga Kapatid

  • Nakakalungkot, 1 sister ang namatay

  • 1 brother ang malubhang nasugatan

  • 24 na kapatid ang nasaktan

  • 715 kapatid ang inilikas

  • Ang natupok na bahay ng isang pamilyang Saksi sa Viña del Mar

    72 bahay ang nawasak

  • 2 bahay ang matinding napinsala

  • 1 bahay ang bahagyang nasira

  • Walang nasirang Kingdom Hall

  • Mga 4,700 kapatid ang nakatira sa lugar na ito

Relief Work

  • Isang Disaster Relief Committee ang inatasang mag-organisa ng tulong para sa mga biktima ng sakuna

  • Nagpadala ng mga kinatawan mula sa tanggapang pansangay ng Chile para patibayin ang mga kapatid. Pinapatibay din at tinutulungan ng mga tagapangasiwa ng sirkito at lokal na mga elder ang mga naapektuhan

Sigurado tayo na nakikita ni Jehova ang “pagdurusa” ng lahat ng naapektuhan ng mga wildfire at malapit na niyang alisin ang lahat ng likas na sakuna magpakailanman.—Awit 10:14.